April 25 6:41PM (from Raymond): Nag start nang mag-milk si Wacky. Si Caress baka sa Thursday i-discharge na (from hospital).
April 24 11:12PM (from Lara): Si Wacky minsan gising pero pinatutulog daw. May ubo si caress nahihirapan sya ngayon.
April 22 1:51PM (from Lara): Dito kami ward. Nag-try nang maglakad si Caress ng kaunti. Mamayang hapon ulit. Ini-encourage kasi nilang maglakad ang pasyente kapag post-op kahit masakit pa.
April 21 12:12PM (from Raymond): Nasa ward na si Caress. Medyo nahihilo pa. Pero pinaglalakad na sya kung kaya nya. Hindi pa siya pwedeng kumain.
April 20 12:48PM (from Raymond): Natapos ang operation ni Caress ng 3:45PM, si Wacky at 9:10Pm (April 19). Nasa ICU sila ngayon. Si Caress in two days pwede na sa ward. Si Wacky, tinanggal na ang respirator. =)
April 19 10:27PM (from Lara): Kadarating lang namin ng dorm. Grrr.. maginaw dito ngayon. Nakita na namin si Wacky sa TV sa viewing room. Nakakaawa tingnan kasi may tubo. Hope they'll recover fast.
April 19 10:00PM (from Lara): Nakausap na ni Jun (Raymond) si Caress twice through viewing room from the ICU. Si Wacky tapos na yata pero di namin alam if nasa OR o ICU pa sya. Wala pang nagsasabi sa amin.
April 19 4:10PM (from Lara): Nasa ICU na si Caress. Si Wacky nasa OR pa pero matatapos na in 2 hours. Everything went well for both sabi ng head doctor. Ni-cover ng isang tv network ang operation, pagkausap sa amin ni Dr. Chen... Thank you Lord!
April 19 2:09PM (from Lara): Sa OR pa sila. Kakatapos lang ng interview namin sa local tv dito. Gumagawa sila ng feature about liver transplant and by chance andun kami na foreigners... kasi kaming 4 lang andito na hindi local.
April 19 10:18AM (from Lara): Kakagaling lang namin sa dorm... dito na ulit kami sa waiting area ng OR. Si Jun (Raymond) naglalakad, nagpapaalis siguro ng kaba.
April 19 8:10AM (from Lara): Kakapasok lang ni Caress at Wacky sa OR.
April 18 9:53PM (from Raymond): Tulog na si Wacky. Fasting sila (Wacky & Caress) ng 12AM. Sa dorm na kami mag-i-stay ni ate Lara tomorrow. Sa wakas, eto na yung pinag-ipunan at pinaghandaan for 9 months! GOD will take over from here.
No comments:
Post a Comment